taas-presyo

Ilang kumpanya ng langis, may taas-presyo sa produktong petrolyo

Business

MAKARAANG ang ilang linggong bawas-presyo, taas-presyo naman ang sasalubong sa mga motorista simula bukas, araw ng Martes.

Sa anunsyo ng kumpanyang SeaOil at Shell, P1.35 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina, P0.85 sa kada litro ng diesel at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

May kapareho rin na oil price hike sa gasolina at diesel ang Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines at CleanFuel stations.

Pawang epektibo ang oil price adjustment ng alas 6:00 ng umaga maliban sa CleanFuel na magiging epektibo ng alas 12:01 ng madaling araw.

Inaasahang sunod-sunod na ring mag-aanunsyo ang iba pang kumpanya ng kanilang dagdag-presyo ngayong araw.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *