Turkey foreign minister

Kasalukuyang administrasyon ng Israel, tinawag na racist ng Turkey foreign minister

International News

UMALMA si Turkey Foreign Minister Mevlut Cavusoglu sa pahayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na gagawin nitong annex ang ilang parte ng West Bank, partikular ang Jordan Valley.

Ayon kay Cavusoglu, desperado si Netanyahu na makakuha ng boto sa parating na eleksyon at binatikos din nito ang kakulangan ng reaksyon mula sa ibang Muslim na bansa.

Pasaring pa nito patuloy ang Israel sa paggawa ng mga agresibong patakaran dahil sa ilang bansang nanghihikayat dito.

Dagdag pa niya kung nauna nang umalma ang Muslim community sa plano ng U.S at Israel ay hindi na magiging malala ang tensyon sa pagitan ng Turkey at Israel.

Matatandaang nagkaroon ng alitan ang dalawang bansa nang masawi ang labindalawang Palestinian sa grupo ng mga Israeli sa Gaza border noong nakaraang taon.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *