Pista ng Pelikulang Pilipino

Lola Igna, itinanghal na Best Picture sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019

Showbiz

ITINANGHAL na big winner sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino ang family drama film na “Lola Igna.”

Humakot awards ang pelikula ni Direk Eduardo Roy sa gabi ng parangal na ginanap kagabi sa SM Mall of Asia Complex.

Matagumpay na nauwi ng “Lola Igna” ang Grand Prix na Best Picture gayundin ang Best Musical Score at Best Screen Play Award.

Itinanghal naman ang lead star nito na si Angie Ferro bilang Best Actress.

Bukod sa Lola Igna, humakot din ng awards ang pelikulang LSS o Last Song Syndrome na nakapag-uwi ng limang awards.

Kabilang na dito ang Best Original Song, Best Sound Design at PISTAPP Audience Choice Award.

Ginawaran din ang romance-musical ng Special Jury Award.

Samantala, humataw naman sa takilya ang comedy entry na “The Panti Sisters” nina Cristian Bables, Paolo Ballesteros at Martin del Rosario.

Sa loob lamang ng dalawang araw mula nang ipalabas noon September 13, may kabuuang kita na ang pelikula na tumataginting na mahigit P36 milyon.

Nasungkit din nito ang Audience Choice Award at Best Production Design habang iginawad kay Martin del Rosario ang Best Actor Award.

Bagaman tapos na ang awards night, patuloy na mapapanuod sa mga sinehan ang PPP entries hanggang September 19.

DZAR 1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *