Marikina City

Marikina City, magsasampa ng kaso laban sa mga nagtapon ng patay na baboy

Metro Manila Metro News

NAKATAKDANG magsampa ng kaso ang lokal na pamahalaan ng Marikina City laban sa mga nasa likod ng pagtapon ng mga patay na baboy na natagpuan sa Marikina River.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, ibinahagi nito na nagpasa na sila ng “lead” sa Department of Agriculture (DA) patungkol sa pinagmulan ng mga patay na baboy.

“May mga impormasyon na kaming nakuha at ito ay ibinigay na namin sa Department of Agriculture, kung may unusual deaths o may hindi pangkaraniwang pagkamatay ng mga baboy at ang bilang ay hindi rin pangkaraniwang ay suspek na natin yun,” ayon kay Mayor Teodoro.

Ani Teodoro, labag sa Clean Water Act at Sanitation Law ang ginawa ng mga iresponsableng hog raisers kung kaya’t seryoso silang maghain ng kaso laban dito.

Bukod dito, maghahain din ng civil case ang Marikina government para sa danyos bunga ng ginastos ng LGU upang malinis at mailibing ang mga baboy.

“Pwedeng civilly liable sila at criminally accountable we will file for damages dahil ngayon hindi namin magamit ang amin ilog sa water related activities namin pati mga fishing activities namin. Ito may damage na nagyari, sigurado contaminated yung tubig ngayon,” dagdag pa ng Marikina mayor.

 DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *