African Swine Fever

Mga lugar na isinailalim sa quarantine dahil sa African Swine Fever, dumami

Health

DUMAMI pa ang mga lugar na isinailalim sa quarantine dahil sa posibleng presensya ng African Swine Fever.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) William Dar.

Tumanggi naman si DAR na isapubliko kung anong mga lugar ang isinailalim sa quarantine dahil sa gagawing ground zero o “i-7-10” protocol ng D.A.

Samantala, nababahala ang D.A. sa pagkalat ng ASF virus matapos matuklasan ang mga inianod na patay na baboy sa Marikina River.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Dar sa mga hog raisers na agad i-report sa otoridad kung may kaduda-dudang pagkamatay ng kanilang baboy para hindi lalong mapasama ang industriya.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *