Michelle Dee

Michelle Dee, kinoronahan bilang Miss World 2019

Showbiz

KINORONAHAN bilang Miss World 2019 ang Pinay model na si Michelle Dee na anak ng iconic beauty queen na si Melanie Marquez.

Nangibabaw ang galing at ganda ni michelle laban sa 39 na mga binibini na nais masungkit ang prehistiyong titulo.

Dahil dito si Michelle ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World 2019 Pageant sa London, UK sa Disyembre.

Bukod sa Grand Prix, naiuwi din ng modelo ang Miss Myra E, Miss GCOX, Miss BlueWater Day Spa, at Miss Best Skin.

Itinanghal naman ang Miss Reina Hispano Americana Filipinas kay Katarina Llegado, Miss Eco Philippines sa model-actress Kelley Day at Miss Multinational Philippines sa dating child star na si Isabelle de Leon.

Nasungkit naman ni Glyssa Perez ang titulong Miss Tourism Philippines at Vanessa Mae Walters bilang Miss Eco Teen Philippines.

Kinilala bilang 1st Princess si Shannon Kerver habang 2nd Princess si Cassie Banks.

Naganap ang coronation night ng Miss World 2019 kagabi, sa Smart Araneta Coliseum.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *