Mayor Joy Belmonte

QC Mayor Joy Belmonte, personal na ininspeksyon ang sitwasyon ng trapiko

Metro Manila Metro News

PERSONAL na ininspeksyon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang sitwasyon ng trapiko sa Commonwealth Avenue.

Pinangunahan din ni Belmonte ang unang araw ng deployment ng nasa tatlumpung beep jeeps na magsasakay ng mga pasahero bilang bahagi ng proyektong “Bayanihan sa Lansangan.”

Ito ay para tiyaking may masasakyan ang mga commuters na hirap tuwing ‘rush hour.’

Kumpiyansa naman si Mayor Belmonte na maabot nila ang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na linisin ang mga kalsada sa lungsod sa anumang sagabal.

Sinabi ni Belmonte na 85% na ng Mabuhay Lanes at primary at secondary roads ang malinis na mula sa mga obstruction.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *