FIBA Basketball World Cup

Team Spain, kampeon sa FIBA Basketball World Cup 2019

Sports

ITINANGHAL na kampeon ang Team Spain sa katatapos na 2019 FIBA Basketball World Cup.

Ito ay matapos nitong pataubin ang Argentina sa isang lopsided win na nagtapos sa iskor na 95-75.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasungkit ng kampeonato ang bansang Spain sa nasabing torneyo matapos ang 13 taon.

Ang matibay na opensa at depensa ng team Spain sa una at dulong bahagi ng laro ang naging susi sa kanilang pagkapanalo kontra Argentina.

Ang point guard ng Team Spain na si Ricky Rubio ang nanguna sa pagkapanalo ng koponan na nakagawa ng 20 points at siya ring itinanghal bilang Most Valuable Player.

Samantala, ang three-time all-star na si Marc Gasol ay gumawa rin ng kasaysayan kung saan ito ang ikalawang manlalaro na nagkampeon sa NBA at World Cup sa kaparehong taon.

 DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *