sa buwan ng Oktubre

Meralco, may nakaambang bawas-singil sa buwan ng Oktubre

Business

SA kabila ng nakaambang taas-presyo ng langis, mas mababang singil naman sa kuryente ang asahan ng mga customer ng Meralco sa buwan ng Oktubre.

Ito ay dahil sa bagong proseso sa bidding na pinasok ng Meralco sa mga supplier ng kuryente.

Sa pagtaya ng kumpanya, nasa P13.86 bilyon kada taon ang maaaring matipid o 41 centavos sa kada kilowatt hour na rate reduction hanggang February 2020.

Kasunod ito ng paglagda ng Meralco ng power supply agreements para sa 1,700 megawatts ng kuryente sa susunod na limang taon sa ilalim ng tinatawag na “competitive selection process.”

Sinabi ng Meralco na naging bahagi ng competitive bidding ang renewable energy sources para sa pagkakaroon ng mas mababang halaga ng kuryente.

Ito na ang ika-anim na sunod na may bawas-singil sa kuryente sakaling maipatupad ito ng Meralco.

 DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *