Miss Universe Catriona Gray

Miss Universe Catriona Gray, kauna-unahang Pinoy celebrity na boses ng Waze

Showbiz

MAAARI nang marinig ngayon ang boses ni reigning Miss Universe Catriona Gray sa traffic navigation app na Waze.

Kahapon nang ilungsad ng Waze si Queen Cat bilang pinakabagong boses ng navigation application.

Say ni Catriona, bilang pinakabagong boses ng Waze ay makapagbibigay siya ng positive vibes sa lahat ng biyaherong Pinoy on the road.

Umaasa aniya siyang sa pamamagitan nito ay magsisilbi siyang inspirasyon at makapagbigay ng tulong sa mga motorista na harapin ang mga pagsubok tulad ng matinding trapik.

Upang ma-activate ang Pinay Miss Universe bilang navigator ng Waze, piliin lamang ang Catriona Gray sa voice direction settings.

Si Catriona ang kauna-unahang Filipino celebrity na boses ng Waze.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *