Oil attack

U.S. President Trump, naniniwala na ang Iran ang nasa likod ng Saudi oil attack

International News

NANINIWALA si U.S. President Donald Trump sa social media na maaaring Iran ang nasa likod ng oil attack facilities ng Saudi Arabia sa kabila ng kawalan ng ebidensya na magdidiin sa naturang bansa.

Iginiit naman ni Trump na wala itong intensyon na pumasok sa panibagong giyera o palalain ang tensyon sa pagitan ng US at Iran.

Kaugnay nito, mariin itinanggi ng Iran ang paratang ng Estados Unidos sa pagpapasabog sa pinakamalaking planta ng krudo sa Saudi dahilan ng malawakang oil price hike.

Bilang tugon, inaprubahan na ni Trump ang paggamit ng U.S. emergency oil upang masiguro na sapat ang suplay ng krudo sa bansa sa kabila ng pag-atake.

Dahil dito, 5% ng world production ang nagtaas ng 19% noong Lunes at bumaba naman muli ngayong araw ng 10%.

Bagaman ang Yemeni Houthi group na ang umako sa pag-atake ay matibay pa din ang paniniwala ng U.S. na may ebidensyang Iran nga ang nasa likod ng pagpapasabog.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *