Taiwanese fisherman

8 PCG personnel na sangkot sa pagkamatay ng Taiwanese fisherman, hinatulang guilty

National News

HINATULANG guilty beyond reasonable doubt ng Manila Regional Trial Court Branch 15 ang walong miyembro ng Philippine Coast Guard para sa kasong homicide ng Taiwanese fisherman.

Kaugnay ito sa pagkamatay ng mangingisdang Taiwanese na si Hong Shi Cheng sa Batanes noong Mayo 2013.

Sa promulgation, sentensyahan ng korte ng walong taon hanggang mahigit labing apat na taon na pagkakabilanggo sina Commanding Officer Arnold dela Cruz, Seaman 1st Class (SN1) Edrando Aguila, SN1 Mhelvin Bendo II, SN1 Andy Gibb Golfo, SN1 Sonny Masangcay, SN1 Henry Solomon, SN1 Richard Corpuz at Seaman 2nd Class Nicky Renold Aurelio.

Pinagbabayad din ang bawat isa sa mga akusado ng P50, 000 para sa civil indemnity at P50, 000 para sa moral damages.

Matatandaang ang kaso ay nagdulot ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan at nagresulta ng pagtigil ng Taiwanese government ng pag-iisyu ng visas sa mga Filipino worker na naghahanap ng trabaho sa Taiwan.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *