2018 ambush

Malacañang, itinanggi na may kinalaman si Pang. Duterte sa 2018 ambush kay Loot

National News

MULING kumambyo ang Malacañang sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman ito sa may 2018 ambush kay dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

Kagabi nang inamin ng pangulo na siya ang nag-paambush kay Loot na dating police official at isinasangkot nito sa illegal drug trade.

Paglilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang ibig sabihin lamang ng pangulo ay buhay pa si Loot sa kabila ng pananambang dito.

Ipinalala rin ni Panelo na Bisaya ang pangulo at hindi eksperto sa Tagalog kaya nag-iiba ang ibig sabihin ng salita nito

Sinabi pa ni Panelo na kung titingnan ang mga dating transcripts ng mga talumpati ng pangulo ay paulit-ulit nitong itinatanggi na sangkot ito sa ambush kay Loot.

Una na rito, pauli-ulit naman pinabulaan ni Loot ang alegasyon ng pangulo na sangkot siya sa kalakalan ng ilegal na droga.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *