POGO Industry

Mga paglabag ng POGO Industry, pinaiimbestigahan sa Kamara

Business

PINAIIMBESTIGAHAN ng apat na kongresista ang industriya ng Philippine Offshore Gaming Operations o POGO Industry sa bansa.

Sa House Resolution No. 337 na inihain nina Minority Leader Bienvenido Abante Jr., CIBAC Party-List Rep. Eddie Villanueva, Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, at Manila Rep. Manuel Luis Lopez, kanilang hinimok ang Kongreso na imbestigahan ang pagdami ng mga Chinese workers sa POGO industry.

Nais din ng mga kongresista na maimbestigahan ang hindi pagbayad ng tamang buwis ng mga ito at ang iba pang paglabag sa National Internal Revenue Code, Immigration Rules and Regulations at Labor Code of the Philippines.

Batay sa datos ng Department of Labor and Employment, nasa 63,855 documented foreign nationals ang nagtatrabaho sa POGO industry, pero sa ngayon ay tinatayang umaabot na ito ng hanggang 120,000.

Nababahala rin si Abante sa pagtatayo ng mga hubs sa mga kampo ng militar na ayon kay Department of Defense Sec. Delfin Lorenzana maituturing bilang strategic locations.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *