Scarlet Snow Belo

Scarlet Snow Belo, napili bilang opisyal na Tourism ambassador ng bansa

Showbiz

SA edad na 4 years old ay napili na bilang isang official Tourism ambassador ng Pilipinas ang internet star na si Scarlet Snow Belo.

Kahapon nang i-welcome ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat kasama ang iba pang opisyal si Baby Scarlet bilang pinaka bagong Tourism ambassador ng bansa.

Binansagan pa ng kalihim si Scarlet bilang “youngest and cutest advocate of the Philippine tourism.”

Proud namang ibinahagi ng internet personality sa social media ang kaniyang newest achievement.

Say pa nito, handa na siyang magtrabaho upang ibida ang ganda ng Pilipinas at mahikayat ang maraming turista na bumisita sa bansa.

Si Scarlet Snow na anak ng celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho ay ang pinakabatang tourism ambassador ng bansa.

Nauna naman kinilala bilang ambassadors ang ilang pang sikat na personalidad tulad nina Dimples Romana at Canadian vlogger Kulas Jennerman.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *