Tropical depression Nimfa

Tropical depression Nimfa, nasa hilagang bahagi pa rin ng Philippine Sea

National News

NANANATILI pa rin ngayon sa hilagang bahagi ng Philippine Sea ang Tropical depression Nimfa.

Batay sa huling Weather Bulletin ng Pagasa, halos hindi kumikilos ang bagyo na huling namataas sa layong 685 km silangan ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (kph) at pabugsong umaabot sa 70 kph.

Samantala, namataan naman sa bisinidad ng Mayantoc, Tarlac ang Low Pressure Area at inaasahang tatahakin ang kalupaan ng Central Luzon at sasanib sa Bagyong Nimfa sa loob ng 48 oras.

Patuloy namang makararanas ng mga pag-ulan ang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa 2 weather systems at hanging habagat.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *