Mahigit 1,000 mga convicts na napalaya dahil sa GCTA law, sumuko ilang oras bago matapos ang ultimatum ni Pang. Duterte

National News

Ilang oras bago matapos ang ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte, pumalo na sa mahigit isanlibong mga convicts na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law ang sumuko.

Ayon kay DOJ Spokesperson Undersecretary Secretary Markk Perete, mula sa 1,914 ay nasa 1,025 na ang bilang ng mga convicts na boluntaryong sumuko hanggang alas 2:27 ng hapon kahapon, September 18.

Mas mataas ito kumpara sa datos ng PNP na may mahigit limandaang pa lamang na sumukong convicts hanggang kaninang alas-sais ng umaga.

Sinabi ni Perete na magbibigay sila sa DILG ng bagong listahan ng persons deprived of liberty na napalaya sa GCTA para magsilbi bilang guide sa pagpapatupad ng rearrest sa mga hindi susuko hanggang mamayang 11:59 ng gabi.

Ngayong araw matatapos ang 15 days deadlines na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para sumuko ang mga presong napalaya sa bisa ng GCTA law.

ang mga hindi pa susuko ay ituturing nang pugante at aarestuhin ng PNP.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *