P78-M emergency fund, inilaan upang tuldukan ang pagkalat ng African Swine Fever

National News

Naglaan na ng P78-M na emergency fund ang Department of Agriculture (DA) upang pigilan ang paglaganap ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Sa pangunguna ng Bureau of Animal Industry (BAI), gagamitin ang naturang pondo para sa biosecurity and quarantine measures, disease monitoring and surveillance, laboratories upgrade, capacity-building at iba pang disease control measures.

Ang nasabing emergency fund ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa cabinet meeting noong nakaraang linggo.

Nakatakda namang magpulong ang National ASF Task Force (NATF) para sa isasagawang inter-agency coordination sa tulong ng Local Government Units (LGUs) at pribadong sektor Upang pag-usapan ang gagawing hakbang ng pamahalaan para tuldukan na ang pagkalat ng ASF sa ibang bahagi ng bansa.

Tatayo bilang chairman ng NATF si Pangulong Duterte habang ang DA naman ang kikilos bilang vice-chair at lead agency

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *