Pangulong. Duterte, nakatakdang bumisita sa Russia sa susunod na buwan

National News

 

Biyaheng Russia si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.

Ito ang kinumpirma ni chief legal counsel at Presidential Spokesman Salvador Panelo na kung saan ay inaasahang makakaharap ni Pangulong Duterte ang itinuturing niya ring ‘idolo’ na si Russian President Vladimir Putin.

Ang nakatakdang pagtungo ng chief executive sa Russia ay bunsod na rin ng imbitasyon ni Putin sa kanya sa ikalawang pagkakataon.

Unang nag-imbita ang Russian leader sa pangulo nuong 2016 at ng kasunod na taon ay nagtungo naman ang pangulo partikular nuong buwan ng mayo 2017.

Dangan lang at hindi natapos ng presidente ang kanyang unang Moscow trip dahil sa nangyaring Marawi Siege.

 

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *