GCTA freed convicts

NCRPO, tumalima na sa utos na itigil muna ang pag-aresto sa GCTA freed convicts

National News

IPINATIGIL na ni NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar ang muling pag-aresto sa mga GCTA freed convicts na napalaya dahil sa GCTA na hindi sumuko.

Ito ay bilang pagtalima sa utos ng Department of Justice (DOJ) na itigil muna ang manhunt operation laban sa mga ito.

Gayunman, sinabi ni Eleazar na patuloy pa rin nilang babantayan ang mga hindi pa sumusuko.

Hindi rin aniya muna nila papalayain at isasailalim na sa ‘recomputation’ ang mga naaresto mula nang magpaso ang 15 days deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte kaninang hating gabi.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *