Kaso ng dengue

Pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue, humupa na ayon sa DOH

National News

HUMUPA na ang pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa matapos na mag-peak noong agosto ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, sa kasalukuyan ay umaabot na lamang ng 12,000 hanggang 13,000 ang italalang confirmed dengue cases kada linggo.

Higit na mas mababa ito kumpara noong nakaraang buwan ng agosto na kasagsagan ng peak ng dengue kung saan umabot sa 20,000 ang naitalalang kaso ng sakit kada linggo.

Gayunman ay iginiit ni Domingo na dapat pa rin paigtingin ang 4’o clock habit dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan.

Hanggang katapusan ng Nobyembre ay inaasahang makapagtatala pa rin ng kaso ng dengue.

Agosto a-6 nang magdeklara ang DOH ng National dengue epidemic matapos pumalo sa 146,062 ang bilang ng kaso ng sakit hanggang noong july 2019.

 

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *