African swine fever (ASF)

Quezon City, kumpirmadong apektado na ng African Swine Fever (ASF)

Metro Manila

KINUMPIRMA na ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) na apektado na rin ng African Swine Fever (ASF) ang Quezon City

Ito ay matapos magpositibo aniya ang unang walong blood samples na isinumite mula sa mga baboy sa barangay Bagong Silangan at Payatas sa nasabing lungsod.

Kabuuang 45 blood samples ang isinumite sa BAI pero hindi pa inilalabas ang mga resulta sa mga natitirang iba pa.

Dahil sa presensya ng ASF sa dalawang barangay, nakatakdang makipagkita ngayong araw si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga Hog raiser sa Payatas para pag-usapan ang agarang pagpatay sa mga baboy dito.

Pangungunahan ang pagpapatupad ng culling bilang bahagi ng 1-7-10 protocol ni Brgy. Payatas Chairman Manny Guarin na may alaga rin ng halos 300 baboy.

Tiniyak naman ni Belmonte na may nakalaan na P10-million budget para sa Financial Assistance sa mga ASF affected areas.

Matatandaang una nang nagsagawa ng “culling” ang lokal na pamahalaan ng qc sa dalawang sitio sa Barangay Bagong Silangan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *