sumukong convicts

Re-arrest sa hindi sumukong convicts na napalaya sa GCTA, ipinatigil

National News

IPINATIGIL muna ng Department of Justice sa Philippine National Police (PNP) ang manhunt at muling pag-aresto sa mga hindi sumukong convicts ng heinous crimes na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA Law.

Ito ay matapos may makitang pagkakamali ang doj sa listahan ng convicts na isinumite ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay DOJ Spokesperson Undersecretary Markk Perete, natukoy ng kagawaran na nasa 40 Persons Deprived Of Liberty (PDLS) ang hindi dapat kasama sa GCTA list.

Aniya, ang mga ito ay napagkalooban ng pardon o parol at hindi nag-avail ng GCTA.

Sinabi ni Perete na isasagawa ang re-arest matapos maayos ang listahan at maberipika ang mga pangalan.

Una nang nag-deploy ng tracker team ang pulisya kaninang hating gabi matapos mapaso ang ibinigay 15 days ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa tala ng DOJ, umabot sa 1,950 freed GCTA convicts ang sumuko, mas mataas ito kumpara sa 1.914 na nasa listahan ng BuCor.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *