3 sugatang pulis

3 Pulis sa Socorro, Oriental Mindoro, sugatan matapos tambangan ang kanilang Mobile Patrol

Regional

SUGATAN ang Tatlong Pulis matapos tambangan ang kanilang sinasakyang mobile patrol sa National Highway ng Barangay Pasi 2, Socorro, Oriental Mindoro kaninang umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, patungo sana sa isang Radio Program sa lugar ang mga pulis na sina Police Chief Master Sergeant Ivan Fortus, Police Senior Master Sergeant Irene Lazo at Police Corporal Ivy Carmona na pawang tauhan ng pinamalayan Police Station nang sila ay tambangan.

Base sa pahayag ng mga testigo, nagkaroon muna ng pagsabog bago pinaulanan ng bala ang mobile patrol ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Hindi naman nasugatan ang iba pang kasama ng mga pulis sa sasakyan kabilang ang kanilang Deputy Chief of Police, isa pang pulis at isang Kapitan ng barangay.

Patuloy naman nagpapagaling ang tatlong sugatang pulis sa Oriental Mindoro Provincial Hospital.

Sa ngayon ay inaalam pa ang mga nasa likod ng pananambang.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *