laban sa polio

DOH, tiniyak na may sapat na bakuna ang Pilipinas laban sa Polio

National News

NAGTUTULUNGAN na ang Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) na gumawa ng epektibong pagtugon sa Polio outbreak sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, magkakaroon sila ng pulong sa WHO ngayong araw para isapinal kung ilan ang eksaktong bakuna ang kakailanganin.

Ipinangako rin aniya ng WHO na kumpleto ang lahat ng kailangan para sa nasabing sakit at lahat ng batang dapat mabakunanahan ay mabibigyan nito.

Matatandaang noong nakaraang linggo nang kumpirmahin ng DOH ang muling pagbabalik ng polio sa bansa matapos ang dalawang dekada ng pagiging Polio-free country.

Bilang pagresponde sa Polio outbreak, magsasagawa ng Simultaneous Vaccination Programs ang DOH sa mga batang edad limang taong gulang pababa sa Metro Manila, Davao at Lanao Del Sur sa susunod na buwan.

Target ng kagawaran na mabakunahan ang 5.5 milyong bata.

 

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *