Pasay City Jail

Pasay City jail, naka-lockdown ngayong hapon matapos ang naganap na tensyon

Metro News

NAKA-LOCK DOWN ngayong hapon ang Pasay City Jail matapos ang naganap na tensyon doon.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesman Senior Jail Inspector Xavier Solda, may labing apat na detainee sana ang nakatakdang ilipat ng kulungan.

Ngunit ng malaman aniya ito ng mga nasabing preso ay tumanggi ang mga ito at ayaw ng lumabas ng selda.

Nilinaw din ni Solda na walang tauhan ng (BJMP) ang hinostage ng mga preso.

Una nang napaulat na ilang mga lalaking preso sa ika-apat na palapag ng Pasay City jail male dormitory ang humihingi ng tulong at ilan din ang sumisigaw na may sugatan silang kasama.

Kwento naman ng mga dalaw ng jail na nakarinig umano sila ng putok ng baril kasunod ng tensyon.

Sinabi ni Solda na nagsasagawa na ng negosasyon ang warden sa mga bilanggo habang nanatili pa rin ipinagbabawal ang pagpasok ng mga dalaw.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *