UAAP Season 82

Ateneo Blue Eagles, dinomina ang first-round ng nagpapatuloy na UAAP Season 82

Sports

MULING ipinakita ng Ateneo Blue Eagles ang kanilang angking galing sa nagpapatuloy na UAAP Season 82 Mens Basketball.

Ito ay matapos na masungkit ng koponan ang first-round sweep matapos payukuin ang UP Fighting Maroons sa kanilang paghaharap kahapon sa Araneta Coliseum.

Tinalo ang Blue Eagles ang Maroons sa iskor na 89-63.

Nanguna naman para sa panalo ng Eagles sina Angelo Kouame, Matt Nieto, Will Navarro, Thirdy Ravena at Sj Belangel na kapwa may doble digits scores.

Sa ngayon, hawak ng Eagles ang unang pwesto sa rankings na sinundan ng up na may 5 win – 2 loss standing.

Sunod namang makakaharap ng Ateneo sa darating na sabado ang UST Growling Tigers habang makakaharap naman ng UP ang FEU Tamaraws sa linggo.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *