kinasuhan na

13 estudyante at alumni ng Laguna State Polytechnic University na sangkot sa hazing, kinasuhan na

Regional

SINAMPAHAN na ng kaso ang labintatlong estudyante at alumni ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) na umano’y sangkot sa hazing sa isang criminology student.

Kinasuhan ang mga ito ng paglabag sa Anti-Hazing law sa San Pablo City prosecutors office.

Una nang tinukoy ng mga otoridad ang labing dalawang person of interest sa hazing kay Jonathan Concordia, 18, na isinugod sa ospital noong september 23 matapos magcollapse sa LSPU.

Ayon sa kamag-anak ni Concordio, nagkaroon na ng malay ang biktima matapos magtamo ng injury sa kanyang ulo.

Gayunman, wala pa aniya ito sa katinuan dahil naapektuhan ang kanyang utak.

 

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *