pumayag na tumestigo

Dalawang US officials, pumayag na tumestigo sa impeachment trials laban kay US Pres. Donald Trump

International.

NAKATAKDANG tumestigo ang dalawang US officials sa isinasagawang impeachment investigation upang patalsikin sa pwesto si US President Donald Trump.

Ito ay sina dating US Ambassador to Ukraine Marie Yovanovitch at dating Special Representative for Ukraine Kurt Volker.

Haharap ang dalawang opisyal sa Intelligence Committee ng House of Representatives sa darating na Oktubre a-11.

Kasunod ito nang paglutang ng hindi pa kinikilalang whistleblower na nagsiwalat ng mga impormasyon hinggil sa naging usapan sa pagitan nina Trump at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Mariing naman kinondena ng American President ang naturang imbestigasyon at sinabing isang coup de etat ang ginagawa ng kongreso na naglalayon umanong tanggalan ng kalayaan ang mga amerikano.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *