MATULDUKAN NA

Pangulong Duterte, naniniwalang dapat nang ipagbawal ang fraternity sa bansa para matuldukan na ang nagaganap na hazing

National News

NANINIWALA si Pangu­long Duterte na mawa­wala lamang ang hazing kung tuluyang ipagbabawal na ang fraternity sa bansa.

Inamin ni Pangulong Duterte na maging siya ay dumaan sa hazing at naospital sa loob ng tatlong araw dahil sa massive hematoma.

Pero sa kabila nito, tutol pa rin ang Pangulo sa barbarikong pagpaparusa sa mga neophytes at maging sa plebo sa PMA dahil dapat ay hindi aabot sa kamatayan ang hazing.

Ayon sa Pangulo, miyembro siya ng Lex Tallonis fraternitas ng San Beda Law College noong nag-aaral pa lamang siya ng abogasya.

June 29, 2018 nang lagdaan ng Pangulo ang Anti-Hazing law (RA 11053) kasunod ng pagkamatay sa hazing ng law student na si Atio Castillo sa University of Sto. tomas.

Nitong setyembre ay nasawi rin sa hazing si 4th Class Cadet Darwin Dormitorio  sa loob ng Philippine Military Aca­demy.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *