2 heneral, sangkot sa iligal na droga – Pang. Duterte

National News

Ibinunyag ni Pang. Rodrigo Duterte na dalawang heneral sa Pilipinas ang kasalukuyang sangkot sa illegal drug trade.

Inamin ito ng pangulo sa harap ng international community sa kasagsagan ng plenary session sa Valdai Forum sa Sochi, Russia.

Gayunman, hindi pinangalanan ng pangulo ang dalawang heneral at kung nagmula ang mga ito sa militar o pulisya.

Ang pahayag ng punong ehekutibo ay sa gitna na rin ng imbestigasyon ng Senado ukol sa nina cops na nagrecyle sa mga nakumpiskang ilegal na droga sa mga operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *