pansamantalang itinigil

Operasyon ng LRT-2, pansamantalang itinigil matapos masunog ang bahagi ng riles sa pagitan ng anonas at Katipunan station

National News

HINDI pa matiyak ng pamunuan ng LRT-2 kung kailan maibabalik ang normal na operasyon ng kanilang tren.

Ito’y ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera matapos itigil ang operasyon ng rail system kahapon dahil nasunog ang power rectifier nito sa Katipunan, Quezon City.

Paliwanag ni Cabrera, nagkaroon ng power tripping na dahilan kung bakit nagliyab ang bahagi ng LRT line.

Dahil sa sunog, nawasak ang bahagi ng riles ng LRT-2 sa pagitan ng Katipunan at Anonas station.

Humingi naman ng paumanhin ang LRTA sa mga apektadong pasahero dahil sa abalang naidulot ng sunog.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasaayos sa nasunog na riles ng tren.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *