pinasususpende

Sen. Hontiveros, pinasususpinde ang medical license ng New Bilibid Hospital medical officer

National News

PINASUSUSPINDE ni  Senator Risa Hontiveros sa Senate Blue Ribbon Comitte ang medical licence  ni New Bilibid Hospital  Medical Officer Urcisio Cenas na diumanoy nagbibigay ng hospital passes sa mga drug lord convicts kapalit ng malaking halaga.

Matatandaan na noong mga nakaraang pagdinig ng GCTA at hospital for sale sa Senado ay lumitaw si former Bukidnon Mayor Jose Galario na isa ring former NBP inmate  at itinuro si Cenas na tumatanggap ng pera kapalit ng mahabang pagtatagal sa loob ng hospital  ng mga nagpapanggap na maysakit na mga  drug convict para maisagawa ang illegal drug transactions ng mga ito.

Sa ikawalong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Commite kahapon, sinabi ni Hontiveros na ang ginawa ni Cenas ay immoral at unprofessional.

Paliwanag ni Hontiveros hindi na nga maganda ang ospital ng mga piitan ay may nangyayari pang korupsyon sa loob na kung saan sa panahong maraming nagkakasakit, inaagawan pa ng mga drug lords ng serbisyong medikal ang mas karapat-dapat na pasyente.

Inamin naman ni NBP Hospital Director Ernesto  Tamayo na 20% o mahigit sa 5, 000 na mga totoong may sakit o pasyente  ang namamatay kada taon sa loob ng NBP dahil s a ibat-ibang sakit tulad ng pneumonia.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *