Judge sa Thailand

Judge sa Thailand, nagtangkang magpakamatay matapos batikusin ang justice system sa bansa

International News

NAGTANGKANG magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob mismo ng korte ang isang hukom sa Thailand.

Kinilala ang hukom na si Kanakorn Pianchana, isang judge sa Yala court sa katimugang bahagi ng Thailand.

Ayon sa report, ginawa ni Pianchana ang pagbaril sa kaniyang sarili sa dibdib makaraang ipawalang-sala ang ilang mga murder suspects at magtalumpati tungkol sa sistema ng hudikatura sa kanilang bansa.

Sinabi ng spokesman ng office of the judiciary na si Suriyan Hongvilai na binaril ni Pianchana ang kanyang sarili dahil umano sa “personal stress.”

Gayunman, hindi pa raw malinaw sa kasalukuyan ang rason sa stress at kanila umano itong iimbestigahan.

Tiniyak naman ni Hongvilai na ligtas at malayo sa kapahamakan si Pianchana na kasalukuyang ginagamot sa isang ospital.

Bago magbaril sa sarili, nanawagan si Pianchana ng isang mas malinis na sistema ng hudikatura sa kanilang bansa.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *