Operasyon ng LRT-2

Operasyon ng LRT-2, hindi pa matutuloy ngayong araw; MMDA at LTFRB may libreng sakay

National News

NILINAW ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) 2 na hindi pa maibabalik ang operasyon ng mga tren nito ngayong araw.

Sinabi ni LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na patuloy pa ang pagkukumpuni sa sumabog at nasirang power rectifier sa bahagi ng Katipunan station.

Ayon kay Cabrera, bukas ng martes o miyerkules ay posibleng bumiyahe na ang kanilang mga tren mula Cubao papuntang Recto at Recto to Cubao.

Inihayag din ni Cabrera na posibleng abutin pa ng siyam na buwan bago maibalik ang normal na operasyon sa tatlong istasyon ng LRT-2 na Anonas, Katipunan at Santolan station.

Tiniyak naman ni Cabrera na magbibigay sila ng libreng sakay sa mga pasahero mula at papuntang Santolan at Cubao simula alas singko ng umaga hanggang ala-10 ng gabi.

Makakatuwang ng LRTA ang MMDA sa pagbibigay ng libreng sakay libreng sakay.

Samantala, binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang walong bus company ng special permit para makapag-operate mula Santolan, Pasig patungong Cubao.

Kabilang dito ang RRCG at Victory Liner kung saan aabot sa tatlumpung units ang nabigyan ng special permit.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *