Mga kubol sa Bilibid, giniba

Mga kubol sa loob ng New Bilibid Prison, giniba

National News

Nagsasagawa na ng clearing at demolition operations ang mga operatiba mula sa pitong ahensya ng gobyerno sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Nasa 1,500 mga tauhan mula sa Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Armed Forces OF THE Philippines, Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation, Department of Public Works and Highways at Bureau of Fire Protection ang nagsagawa ng operasyon.

Alas 4 ng umaga nang magsimula ang operasyon na may seguridad mula sa PNP Special Weapon and Tactics (SWAT).

Sinabi ni NCRPO Chief P/MGen. Guillermo Eleazar na ang mga kubol ang prayoridad ng demolisyon dahil dito nagaganap ang mga transaksyon na may kinalaman sa iligal na droga sa loob ng bilibid.

Mga kubol sa New Bilibid Prison, giniba

Posted by DZAR 1026 on Tuesday, October 8, 2019

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *