Pinoy triathletes, susubukang depensahan muli ang titulo sa SEA Games

Sports

Nakatakdang depensahan ng mga Pinoy triathletes ang titulo sa darating na 30th Edition ng South East Asian Games sa bansa.

Magugunitang matagumpay na naiuwi ng mga pinoy triathletes ang men’s and women’s championship title sa sports event na ito noong nakaraang edisyon ng SEA games na ginanap sa Malaysia.

Bukod dito ay karamihan din sa mga runner’s up ng sports event ay mga pinoy rin ang nag-uwi.

Dahil dito ay kinikilala sa Asian Triathlon ang mga pinoy matapos makuha ang kampeonato sa nakalipas na dalawang edisyon ng SEA Games.

Nakatakdang namang depensahan ng reigning Women’s Triathlon Champion na si Kim Mangrobang ang kanyang titulo.

Hindi naman madedepensahan ni Nikko Huelgas ang kanyang titulo para Men’s Division na si dahil sa kanyang mga injuries.

Sa kabila nito, pinaghahandaan na ng Cebuano teenager na si Andrew Kim Remolino at John Chicano, na kapwa silver medalist awardees sa nakaraang SEA Games, ang kanilang magiging mga laban sa susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *