Libu-libong public nurse, nanganganib mawalan ng trabaho sa 2020

National News

Tinatayang nasa mahigit na pitong libong public health nurses ang nanganganib na mawalan ng trabaho sa susunod na taon.

Ito ay kasunod ng P9.39 bilyong tapyas sa P97.65 proposed budget ng Department of Health.

Pinakaapektado ng naturang budget cut ang human resource for health deployment program na nasa ilalim ng DOH.

Mula sa panukalang P8.5 bilyong budget ng HRHDP ay magiging P2.45 bilyon na lamang ito.

Ayon kay Sen. Ralph Recto bukod sa mga nurse ay nanganganib ding mawalan ng trabaho ang nasa dalawang daang public dentists.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *