Love Bus sa Maynila, iminungkahing ibalik ng pamahalaan

Metro Manila News

Inirekomenda ni Sen. Imee Marcos na dapat ibalik ang ‘Love Bus’ sa Metro Manila para sa komportableng pagbyahe ng mga commuter.

Ang Love Bus ang kauna-unahang aircon bus sa Metro Manila na pinatatakbo ng gobyerno.

Sa Love Bus, hindi pinapayagan ang standing passengers at may sariling drop-off at pick-up points na bumibiyahe noon mula sa Escolta, Maynila patungo ng Philcoa, Cubao at Makati.

Samantala umapela din ang mambabatas sa transport department at Metropolitan Development Authority na magdeploy ng karagdagang libreng sakay sa rutang dinadaanan ng LRT-2, lalo na sa Anonas, Katipunan at Santolan kung saan sarado pa ang operasyon ng naturang tren.

Hiniling din ni Sen. Marcos sa LRT administration na bumalangkas ng pangmatagalang contingency measures para di na maulit ang aberya at ang nakapalaking problemang idinudulot sa mga mananakay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *