Mahigit 500 na dayuhan walang working permit, arestado

National News News

ARESTADO ang mahigit 500 dayuhan na nagtatrabaho sa isang kumpanya sa Paranaque City dahil sa kawalan ng working permit.

Kabilang sa mga naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng NCRPO at Bureau of Immigration kasama ang mga police officer mula China ang 424 na Chinese, 23 na Vietnamese, 25 na Malaysian, 3 Indonesian, 45 na Burmese at 4 na Taiwanese.

Sangkot din umano ang naturang kumpanya sa investment scam.

Sa ngayon ay nakadetine ang mga suspek sa Camp Bagong Diwa habang nagsasagawa ng deportation proceedings ang mga otoridad.

Plano naman ng city government na ipasara ang kumpanya dahil sa maling deklarasyon ng klase ng kanilang negosyo nang mag-aplay ito ng mayor’e permit.

Nabatid na ang inisyung mayor’s permit sa kumpanya ay para sa “support services” pero natuklasan na mayroon itong ginagawang investment scam sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *