May ‘traffic crisis’ pero walang ‘transport crisis’ – Panelo

National News

Aminado si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nahirapan ito sa halos apat na oras na pag-commute nito mula sa kanyang tahanan hanggang sa kanyang opisina sa malacanang.

Ginawa ni Panelo ang pag-commute kasunod ng challenge na ibinigay sa kaniya ng ilang progresibong grupo upang personal nitong maramdaman ang paghihirap ng mga commuter.

Hinamon ng grupong Bayan, Kilusang Mayo Uno at Anakbayan si Panelo matapos sabihin nitong gumising nang maaga ang mga commuter para on-time sa kanilang paroroonan.

Pero para kay Panelo hindi siya naging insensitive sa kaniyang pahayag dahil ipinupunto lang naman nito ang pagiging creative ng mga Pilipino na kayang mag-adjust sa anumang krisis.

Nanindigan naman ang tagapagsalita ng Palasyo na sa kabila ng paghihirap na naranasan sa pag-commute ay walang mass transit crisis ngunit aminado naman ito na may traffic crisis sa bansa.

Hindi naman iniaalis ni Panelo ang posibilidad na muli niyang gawin ang pag-commute papunta ng Malacañang at pauwi sa kaniyang tahanan.

Hindi na rin aniyang gawin pa ng iba pang government official ang nasabing challenge dahil hindi naman ibig sabihin na hindi sila nagko-commute ay hindi nila naiintindihan ang problema ng mga commuter.

Iginiit ng tagapagsalita ng Palasyo na ginagawa nito ang lahat para maresolba ang isyu ng trapik sa bansa

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *