‘Work from home’ law dapat nang ipatupad – Palasyo

National News

Dapat nang ipatupad ang implementasyon ng “telecommuting act” o mas kilala bilang “work from home” law.

Ito ang iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pulong balitaan kahapon, araw ng Huwebes.

Ani Panelo, makatutulong ang batas upang mapaluwag ang kondisyon ng matinding trapik sa Metro Manila at iba pang urban areas sa bansa.

Aniya, nararapat lamang na simulan na ang istriktong implementasyon ng telecommuting act gayung matagal na ito isang ganap na batas.

Disyembre a-20 noong nakaraang taon pa nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “work from home” law na layong kilalanin ang telecommuting bilang isa sa working arrangements lalo na sa mga pribadong sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *