2 koreano, hinuli dahil sa pekeng mga pera

National News

Inaresto ng otoridad ang 2 koreano dahil sa paggamit ng pekeng pera sa isang casino sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspect na sina Seong Bok Min, 53 taong gulang, isang call center manager, kasalukuyang nakatira sa BGC, Taguig City at si Cheongyeol Yun, 49 anyos, director ng isang cosmetic trade industry at taga BGC, Taguig City rin kasalukuyang nakatira.

Batay sa imbestigasyon ng Pasay City Police, pumasok kagabi ang dalawa para maglaro sa Resort World Manila gamit ang pekeng tig-P1,000 bill kapalit ng chips.

Nangmalaman ng mga cashier na peke ang gamit na pera ng dalawa dito na nila ito isinumbong sa guard on duty at kalauna’y inindorso sa Villamor Police Community Precinct.

Nakuha mula sa mga suspek ang 15 piraso ng P1,000 bill. | Mula kay Admar V.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *