Chief Justice Bersamin, pormal nang namaalam na sa mga kawani ng Korte Suprema

National News

Namaalam na si Chief Justice Lucas Bersamin sa kanyang mga kapwa mahistrado, mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema.

Sa huling pagdalo nito sa flag-raising ceremony sa Korte Suprema, binigyang-parangal ang punong mahistrado kung saan pinagkalooban ito ng military honor.

Naglatag din ng red carpet at naghanda ng asul na mga lobo ang mga empleyado ng SC sa grounds ng Korte Suprema at sinalubong si Bersamin ng mga mahistrado.

Nagpasalamat naman si bersamin sa kanyang staff at sa lahat ng miyembro ng Korte Suprema na nagpakita ng katapatan at commitment sa kanyang tungkulin.

Ayon kay Bersamin, nais niyang maalala bilang isang “healing Chief Justice”.

Opisyal na magreretiro ang Chief Justice sa Oktubre 18 kasabay ng kanyang ika-70 kaarawan na siyang mandatory retirement age para sa isang mahistrado ng Supreme Court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *