Full operation ng LRT-2, posibleng maibalik sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan

National News

Posibleng maibalik ang full operation ng LRT-2 sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Noong nakaraang linggo nang magpatupad ng partial operation ang LRT-2 mula Recto hanggang Cubao at vice versa lamang matapos masunog power rectifiers sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera, layon nilang maibalik ang buong operasyon bago mag-pasko, depende sa magiging resulta ng paghihimay sa nasirang parts.

Ani Cabrera, malaki ang posibilidad na gumawa ang mga otoridad ng component-by-component replacement sa mga nasirang parts para mapabilis ang timeline ng pagsasaayos nito.

Una nang sinabi ng LRTA na maaring abutin ng siyam na buwan ang pagbabalik ng full operation ng LRT-2 dahil kailangan pang bilhin sa ibang bansa ang mga spare parts para sa pagsasaayos ng power rectifiers na nasunog.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *