Instagram post ni Bianca Manalo kasama si Sen. Sherwin Gatchalian, usap-usapan ng mga netizen

Showbiz

Usap-usapan ngayon ng mga netizen ang isang picture post sa social media ni beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo kung saan kasama si Senator Sherwin Gatchalian.

Sa larawan na ibinahagi ni Bianca, makikitang halos magkayakap na ang dalawa at mayroon itong caption na ‘This thing called love’ na sinundan ng ilang linya sa soundtrack ng pelikulang “Grease” na “We Go Together.”

Marami ang nag-react sa post nito at isang constituent ng senator ang nagcomment ng ‘bagay kayo’ na pinasalamatan naman ng aktres.

Ang nasabing litrato ay kuha sa 50th birthday ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero na ginanap sa the Blue Leaf Cosmopolitan sa may Quezon City.

Wala pang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *