Nationwide anti-polio immunization program ng Department of Health, umarangkada na ngayong araw

National News

Sinimulan na ngayong araw, Oktubre 14,  ng Department of Health (DOH) ang kanilang malawakang anti-polio immunization program.

Sa sabayang patak kontra polio ng DOH, lahat ng batang may edad lima pababa ay binigyan ng Oral Polio Vaccine (OPV).

Unang bahagi pa lamang ito ng ‘synchronized polio vaccination’ sa ilang rehiyon sa bansa kung saan tatagal ito hanggang Oktubre 27 kasama rito ang mga araw ng Sabado at Linggo.

Kabilang sa mga priority areas ng vaccination program ang National Capital Region, Lanao Del Sur, Davao Del Sur, Marawi City at Davao City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *