K-pop star Sulli, natagpuang walang buhay sa kaniyang bahay

Showbiz

Natagpuang patay ang korean singer-actress na si Sulli sa sarili nitong bahay sa Seongnam, South Korea kahapon, araw ng Lunes.

Si Sulli na matagal nang naging target ng cyber bullying ay nakararanas ng “severe depression.”

Ayon sa ortoridad, nadiskubre ang walang buhay na korean star sa ikalawang palapag ng kaniyang bahay at hinihinalang nagpatiwakal.

Patuloy namang inaalam ang sanhi ng pagkamatay ng k-idol.

2009 nang umusbong ang career ni Sulli bilang miyembro ng grupong F(X) na pansamantala niyang nilisan noong 2014 matapos makaranas ng hate.

Nakiusap naman ang talent agency ng korean star na Sm Entertainment na iwasan ang pagpapakalat at paniniwala sa mga ispekulasyon sa pagkamatay nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *