Labas ng Korte Suprema, bantay sarado ng mga supporter nina VP Robredo at Bongbong Marcos

National News

Tuloy ang pagtipon-tipon ng mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos sa tanggapan ng Korte Suprema sa Maynila.

Kasabay ito ng inaasahang paglabas ng desisyon ng Supreme Court na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (Pet) sa electoral protest ni Marcos laban kay VP Robredo.

Sa magkabilang kalsada ng Padre Faura nakapuwesto ang dalawang grupo habang nakabantay naman ang mga pulis sa pagitan ng mga ito.
Dahil dito, magmula pa kagabi ay sarado na sa mga motorista ang Padre Faura mula sa kanto ng taft avenue hanggang sa kanto ng Maria Orosa street.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *