Senador Cynthia Villar, nanatiling richest senator

National News

NANATILI pa ring pinakamayamang senador si Senador Cynthia Villar.

Base sa 2018 hanggang 2019 statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na inihain ng mga senador, may net worth si Villar na P3.5 bilyon.

Sumunod kay Villar ang Pinoy ring icon na si Sen. Manny Pacquiao na may P3 bilyon na net worth.

Pumangatlo si Sen. Ralph Recto na may P555.3 milyon net worth; pang-apat si Sen. Juan Miguel Zubiri na may P182.9 milyon; pang-lima si Bong Revilla na may P164.2M at pang-anim si Sonny Angara na may P139 milyon.

Nasa pampito hanggang ika-22 pwesto naman na pinakamayang senador sina Senador Franklin Drilon, Sherwin Gatchalian, Grace Poe, Pia Cayetano, Richard Gordon, Tito Sotto, Lito Lapid, Francis Tolentino, Nancy Binay, Ping Lacson, Imee Marcos, Koko Pimentel, Ronald Dela Rosa, Joel Villanueva, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.

Pangalawa naman sa pinakamahirap na senador si Senador Bong Go na may P15.5 milyong net worth habang pinakamahirap si Senador Leila de Lima na may P7.7 milyong net worth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *